12/06/2026
Ang kalusugan ng bawat bata ay sama-samang responsibilidad. 💚🫂
Kaisa ang Philippine Pediatric Society Southern Tagalog Chapter sa pagsusulong ng Ligtas Tigdas: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) upang hikayatin ang mga magulang at tagapag-alaga na protektahan ang mga batang edad 6–59 buwan laban sa tigdas at rubella sa pamamagitan ng ligtas at epektibong pagbabakuna.