DOC N - NTrinidad Tuguegarao

DOC N - NTrinidad Tuguegarao Dr. Noreen Trinidad is a board-certified neurologist and internist. Board certified neurologist and internist.

Her clinical approach centers on changing patients' mindsets toward general and brain health.

03/09/2026

Napagod ang utak ko kahapon. Mula 7AM, Every 2-3 hours may tawag ang ER ng tatlong hospitals about patients😳-- karamihan ay brain hemorrhages (stroke na nagdugo), yung iba ay ischemic strokes (stroke na nagbara).

Please TAKE YOUR MAINTENANCE MEDS DAILY. Check your BPs everyday.

Ganito kababa ang BP ko nung nakaraang buwan.....pagkatapos akong magkamali at nagkadoble ang pag-inom ng beta-blocker n...
23/08/2026

Ganito kababa ang BP ko nung nakaraang buwan...
..pagkatapos akong magkamali at nagkadoble ang pag-inom ng beta-blocker na maintenance ko for BP.

Siguro sa dami nang sabay-sabay na inaasikaso (kausap/ka-chat ang mga nurses sa ibat-ibang hospitals, mga kapwa doktor, pagbibigay instructions sa clinic at hospital marketing staff, plus sa mga kasambahay, etc etc), akala ko ay hindi ko pa nainom ang gamot ko pagkagising.

Kaya uminom ako ulit after several minutes.

Ito ang mga ginawa ko nang mapagtanto ko na nadoble ang gamot ko para sa BP (para malaman nyo rin ang dapat gawin kung mangyari man ito sa inyo):

1. Umupo o humiga agad nang nakataas ang paa.

Alam ko nang baka magdilim ang paningin ko, mahilo o matumba ako makalipas ang higit na 30 mins (kapag umabot na at nagsimulang matunaw na ang gamot sa tyan ko)--at yun nga ang nangyari. Kaya't dagling humanap ako ng masasandalan at mauupuan na komportable ako.

2. Maghydrate-- mas maganda kung hindi distilled water (dahil wala itong minerals) ang inumin.

3. Magmonitor ng sariling BP mayat-maya--kung digital BP ang gagamitin, kailangang umupo upright habang nagchecheck para mas accurate ang reading na makuha.

4. Bantayan ang mga sintomas--dahil uminom ako ng beta blocker na nagpapabagal ng tibok ng puso, nakabantay din ako sa pulso ko. Mabuti at di naman bumagal ang heart rate ko nang sobra. Maari ring mamawis nang malamig, mahilo, malito, mawala sa sarili, mahirapan huminga.

5. Magpadala na sa hospital ER kung sobrang bumaba ang heart rate (kung nagtake ng beta blocker o mga gamot na ang generic name ay may "-lol" sa dulo, eg. metoprolol, nebivolol, carvedilol) o BP; kung sobra ang hilo at pagdilim ng paningin; kung nahimatay.

Mag-iingat lagi sa pag-inom ng inyong maintenance meds. Importante ang pagiging MINDFUL lagi, kumbaga, ay lagi kang aware, attentive o maingat sa mga gamot at schedule ng paginom. Kapag may problema na sa memorya ang pasyente, kailangang tulungan ng mga kasama sa bahay para magkaroon ng sistema sa pag-iinom--gumamit ng mga pillboxes, pill compartments, maayos na labeling; ipaskil ang medication schedule sa lugar na makikita ito agad ng lahat.

Kapag mayaman sa kaalaman, mayaman sa kalusugan!

Yun lang, ganuon lang.

15/08/2026

Nakita ko sa convention ng Stroke Society of the Philippines (SSP) ang ilan sa mga naggagandahang stroke nurses ng ER at ICU ng Cagayan United Doctors Medical Center of Tuguegarao City, Inc - CUDMC--sina Zee, Angelique, at Jem. Hindi lang magaganda, kundi magagaling at mabibilis din! Tumanggap sila ng APAT (4) na stroke awards--isang Gold, at tatlong Diamonds--mula sa World Stroke Organization-Angels. Sino ba naman ang hindi gagaling na pasyente, mangitian lang nila? 😊

28/05/2026

Kumusta po yung mga kapitbahay na nangingialam sa mga gamot ng aming mga pasyente, tapos kapag lumala ang mga sakit at na-ospital sila, wala namang ambag sa pambayad ng bill?

27/05/2026

Gustong-gusto ko yung mga pasyenteng maraming tanong☺️. Kaya ginanahan din akong mag-"lecture" habang nagrarounds sa medical ward.

Hindi po kaya ng reseta yan, manong 😭
06/05/2026

Hindi po kaya ng reseta yan, manong 😭

13/04/2026

Gusto kong magshorts at sando sa clinic.

10/04/2026

Decided last year that our NTrinidad Clinic signage deserved an update after 8 years. What do you guys think of our new signage? ☺️


Address

63 Mabini Street
Tuguegarao City
3500

Opening Hours

Monday 9am - 6pm
Tuesday 9am - 6pm
Wednesday 9am - 6pm
Thursday 9am - 6pm
Friday 9am - 6pm
Saturday 9am - 2pm

Telephone

+639566699602

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DOC N - NTrinidad Tuguegarao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DOC N - NTrinidad Tuguegarao:

Shortcuts

Share