14/07/2026
No clinic today Poblacion 4 Calaca city
Available clinic today ONC and METRO BALAYAN (MBMC)
BATANGAS – Maghanda na ang mga residente at negosyante! Nakatakdang magkaroon ng 13 oras na power interruption sa Martes, Hulyo 14, 2026, mula 6:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi.
Apektado ang mga bayan ng Agoncillo, Nasugbu, Calatagan, Sta. Teresita, Balayan, Lemery, San Luis, Taal, Lungsod ng Calaca, Lian, Tuy, at San Nicolas.
Pinapayuhan ang publiko na maghanda ng mga kinakailangang suplay at i-charge ang mahahalagang kagamitan bago ang itinakdang pagkawala ng kuryente upang maiwasan ang abala.