25/09/2026
September 17, 2026: Primary Care Caravan - Liwasan ng Kagitingan at BHS Soliman, Unisan Quezon
Matagumpay na nairaos ang handog na Primary Care Caravan ng Quezon Provincial Health Office sa bayan ng Unisan.
Mga naihatid na serbisyo sa mga kababayan nating Unisanin:
| PhilPEN Risk Assessment
| Laboratory tests kagaya ng random at fasting blood sugar, blood cholesterol, at uric acid
| Chronic Kidney Disease (CKD) Screening - uACR
| Cervical at Breast Cancer screening (VIA at CBE)
Lubos na pasasalamat ng Local Government Unit ng Unisan sa mga doctor, nurses, at health workers ng PHO Quezon. Salamat din sa pasensya at suporta ng mga kalahok na buong puso ring nakibahagi sa aktibidad.