Nurse Cari

Nurse Cari Provides information and services for community health. Informs about schedule of Rural Health Unit and Barangay Health Station activities and services.

Ang buwan ng Mayo ay Hypertensive Awareness Month! Bilang hakbang para maiwasan at maagapan ang hypertension o alta pres...
22/05/2026

Ang buwan ng Mayo ay Hypertensive Awareness Month!

Bilang hakbang para maiwasan at maagapan ang hypertension o alta presyon, kami sa Unisan Rural Health Unit katuwang ang mga BHW ay nagsasagawa ng PhilPEN risk assessment. Ito ay mabilis at walang gastos na paraan upang ma-assess ang ating mga kababayan at maagang maka-iwas o magamot ang alta presyon.

Maki-isa sa pag-iwas at pagkontrol ng โ€œsilent killerโ€ na hypertension, magpa-risk assessment sa mga BHW na nakakasakop sa inyong barangay o bumisita sa mga Barangay Health Stations at RHU.

Here are the stories on ANC's Top Story (May 21, 2026).- The ICC arrest warrant for Senator Ronald Dela Rosa is officially in effect with state forces ordere...

๐๐ˆ๐๐Š & ๐“๐„๐€๐‹ ๐“๐Ž๐†๐„๐“๐‡๐„๐‘: ๐€ ๐–๐Ž๐Œ๐„๐โ€™๐’ ๐‚๐€๐๐‚๐„๐‘ ๐ˆ๐๐…๐Ž๐‘๐Œ๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐„ ๐€๐๐ƒ ๐’๐‚๐‘๐„๐„๐๐ˆ๐๐† ๐’๐„๐‘๐•๐ˆ๐‚๐„๐’May 14, 2026, BHS Soliman, Unisan Quezon ...
19/05/2026

๐๐ˆ๐๐Š & ๐“๐„๐€๐‹ ๐“๐Ž๐†๐„๐“๐‡๐„๐‘: ๐€ ๐–๐Ž๐Œ๐„๐โ€™๐’ ๐‚๐€๐๐‚๐„๐‘ ๐ˆ๐๐…๐Ž๐‘๐Œ๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐„ ๐€๐๐ƒ ๐’๐‚๐‘๐„๐„๐๐ˆ๐๐† ๐’๐„๐‘๐•๐ˆ๐‚๐„๐’

May 14, 2026, BHS Soliman, Unisan Quezon

Ginanap ang taunang ๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ด๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ท๐˜ช๐˜ค๐˜ข๐˜ญ ๐˜ค๐˜ข๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ค๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ช๐˜จ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ค๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ท๐˜ช๐˜ค๐˜ฆ๐˜ด bilang sa patuloy na pagpapalakas ng adhikain ng Unisan Rural Health Unit sa adbokasiya laban sa dalawang sakit na ito. Itinaon ang aktibidad sa pagdiriwang ng ๐˜Š๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ท๐˜ช๐˜ค๐˜ข๐˜ญ ๐˜Š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ˆ๐˜ธ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด ๐˜”๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฉ at Mother's Day ngayong buwan ng Mayo bilang tanda ng pagpapahalaga natin sa kalusugan ng mga kababaihan.

Ang pagbibigay ng kaalaman tungkol sa Cervical at Breast Cancer ay pinangunahan ni Dr. Fetejohn Abrencillo. Maliban sa pagbibigay ng karagdagang impormasyon ay nagbahagi rin ng mga personal na kwento ang mga panauhing inimbita sa programang ito. Isang pagpupugay sa katapangan sa pagbabahagi ng kanilang kwento at pagsubok na pinagdaanan ni Dr. Fabian Zubiri at ng kanyang may bahay sa paglaban sa Breast Cancer. Nagbahagi rin ng kwento si Kgg. Belen Etorma, na hindi man nakarating sa programa ay taos pusong nagbigay ng mensahe sa mga kababaihan para labanan ang cancer.

Nagpa-unlak din ng imbitasyon si Kons. Tonoy Villapando, na bagaman hindi nakadalo ay nagpabigay ng mensahe sa pamamagitan ni G. Cris Villapando, na nagbahagi rin ng sariling kwento sa pakikibaka ng kanilang kapamilya laban sa breast cancer.

Ito ay isang patunay na ang malawak na pag-intindi at kaalaman ng pamilya at komunidad tungkol sa mga sakit na ito ay mahalaga sa pagbibigay ng suporta sa paglaban sa cancer.

Sa bumubuo ng Unisan Rural Health Unit sa pangunguna ng MHO Dr. Krsitell Ann Constantino, Dr. Abrencillo at mga deployed nurses mula sa PDOHO Quezon na aktibong nakibahagi sa programa, mga midwife na nagsagawa ng breast and cervical screening, mga staff, at mga BHW, isang malaking pasasalamat sa mga kababaihang dumalo at nakiisa sa araw na ito.

๐– ๐—‡๐—€ ๐–ป๐—‹๐–พ๐–บ๐—Œ๐— ๐–บ๐— ๐–ผ๐–พ๐—‹๐—๐—‚๐–ผ๐–บ๐—… ๐–ผ๐–บ๐—‡๐–ผ๐–พ๐—‹ ๐—Œ๐–ผ๐—‹๐–พ๐–พ๐—‡๐—‚๐—‡๐—€ ๐–บ๐—’ ๐—†๐—€๐–บ ๐—Œ๐–พ๐—‹๐–ป๐—‚๐—Œ๐—’๐—ˆ๐—‡๐—€ ๐—‰๐–บ๐—๐—Ž๐—…๐—ˆ๐—’ ๐—‡๐–บ๐—†๐—‚๐—‡๐—€ ๐–ป๐—‚๐—‡๐—‚๐–ป๐—‚๐—€๐–บ๐—’. ๐–ฒ๐–บ ๐—†๐—€๐–บ ๐—‡๐–บ๐—‚๐—Œ ๐—†๐–บ๐—€๐—‰๐–บ๐—„๐—ˆ๐—‡๐—Œ๐—Ž๐—…๐—๐–บ, ๐–ป๐—Ž๐—†๐—‚๐—Œ๐—‚๐—๐–บ ๐—…๐–บ๐—†๐–บ๐—‡๐—€ ๐—Œ๐–บ ๐—‰๐—‚๐—‡๐–บ๐—„๐–บ๐—†๐–บ๐—…๐–บ๐—‰๐—‚๐— ๐—‡๐–บ ๐—๐–พ๐–บ๐—…๐—๐— ๐–ผ๐–พ๐—‡๐—๐–พ๐—‹ ๐—Œ๐–บ ๐—‚๐—‡๐—’๐—ˆ๐—‡๐—€ ๐–ป๐–บ๐—‹๐–บ๐—‡๐—€๐–บ๐—’.

Para sa mga kababaihang Unisanin!Magkakaroon po tayo ng Clinical Breast Exam (CBE) at Visual Inspection with Acetic Acid...
07/05/2026

Para sa mga kababaihang Unisanin!

Magkakaroon po tayo ng Clinical Breast Exam (CBE) at Visual Inspection with Acetic Acid (VIA) sa darating na May 14, 2026, Huwebes sa BHS Soliman Unisan.

Ang proggramang ito ay naglalayon na ma-screen sa breast at cervical cancer upang maagapan ang pagpapagamot at management ng naturang mga sakit. Dahil dito ay mapapanatili natin ang kalusugan ng ating mga kababaihang nangungunang nanganagalaga sa ating pamilya.

Para sa mga nagnanais makilahok ay ipagbigay-alam lamang sa mga BHW na nakakasakop sa inyong barangay o magtungo sa mga health center na malapit sa inyo at makipag-ugnayan sa inyong nurse at midwife.

Magkita-kita po tayo sa Mayo 14!

๐ŸŒธ World Maternal Mental Health Day ๐ŸŒธPara sa mga ina na nakakaranas ng matinding pagkabalisa o pagkalungkot, tandaan mong...
06/05/2026

๐ŸŒธ World Maternal Mental Health Day ๐ŸŒธ

Para sa mga ina na nakakaranas ng matinding pagkabalisa o pagkalungkot, tandaan mong hindi ka nag-iisa.

Lumapit lamang sa mga health center na malapit sa inyong barangay dahil handa kaming tumulong at makinig ๐Ÿ’—

ALL BLOOD DONORS ARE HEROES! Muli po kami nagpapasalamat sa walang sawang pagtangkilik at pagbibigay ng tulong na dugo n...
18/03/2026

ALL BLOOD DONORS ARE HEROES!

Muli po kami nagpapasalamat sa walang sawang pagtangkilik at pagbibigay ng tulong na dugo ng ating mga kababayang Unisanin pati na rin mga taga karatig bayan ng Agdangan, Padre Burgos, Pitogo, at Gumaca.

Katuwang ng Unisan Rural Health Unit ang Quezon Provincial Hospital Network - Unisan, MDRRMC Unisan, at Quezon Provincial Hospital Network QMC sa pagsuporta at pagtulak sa adbokasiyang mapunan ang malaking pangangailangan sa kakulagan ng dugo sa probinsya ng Quezon.

Malugod ang aming mga puso na nagpapasalamat sa 147 na mga bayani na makapagdurogtong sa buhay ng mga nangangailangan. Hanggang sa mga susunod na blood donation activity! โค๏ธ

๐Ÿฉธ Voluntary Blood Donation 2026 ๐ŸฉธSa lahat ng mga Unisanin, at mga nasa karatig bayan, ngayong taong 2026 ay muli po nami...
11/03/2026

๐Ÿฉธ Voluntary Blood Donation 2026 ๐Ÿฉธ

Sa lahat ng mga Unisanin, at mga nasa karatig bayan, ngayong taong 2026 ay muli po namin kayong inaanyayahang makiisa sa gaganaping "VOLUNTARY BLOOD DONATION" para sa unang quarter ng taon!

๐Ÿ“… ๐๐ž๐ญ๐ฌ๐š: Marso 18, 2026, ๐Œ๐ข๐ฒ๐ž๐ซ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ž๐ฌ
โฐ ๐Ž๐ซ๐š๐ฌ: 8:00 ๐€๐Œ โ€“ 12:00 ๐๐
๐Ÿข ๐‹๐จ๐ค๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง: ๐‘๐„๐’๐Œ๐€

Ito ay ang patuloy na proyekto ng Pamahalaang Lokal ng Unisan katuwang ang iba't-ibang Ahensiya ng Pamahalaan upang patuloy na palakasin ang programa sa pagbibigay ng ligtas at libreng dugo para sa ating mga kababayang nanganga-ilangan ng pandugtong buhay.

MANGYARI LAMANG PO MAGDALA NG VALID ID (identification card) AT PHOTOCOPY NITO.

Narito po ang ilang alituntunin ukol sa boluntaryong pagbibigay ng dugo.

โ€‹๐ŸฉธMay timbang na 50 kilo pataas.
๐ŸฉธMay Edad mula 18 hanggang 65 taong gulang.
๐ŸฉธMay malusog na pangangatawan
๐ŸฉธNakatulog ng hindi bababa sa walong oras.
๐ŸฉธHindi dumaan sa anumang operasyon sa loob ng nakaraang 1 taon o nagpabunot ng ngipin.
๐ŸฉธHindi nagpa-tattoo at nagbutas ng tenga sa nilolooban ng 1 taon.
๐ŸฉธWalang anumang maintenance na gamot na ininum bago magbigay ng dugo.
๐ŸฉธHindi uminom ng anumang uri ng alak sa loob ng nakaraang 3 araw.
๐ŸฉธSampung araw na ang nakakaraan simula ng huling regla.

Nawa ay muli po tayong magkita-kita sa Marso 18 mga kababayan!

Buwan ng Kababaihan 2026Juana, sa bawat yugto ng buhay, alagaan mo ang kalusugan mo!Ngayong Marso, ipinagdiriwang natin ...
05/03/2026

Buwan ng Kababaihan 2026
Juana, sa bawat yugto ng buhay, alagaan mo ang kalusugan mo!

Ngayong Marso, ipinagdiriwang natin ang National Womenโ€™s Month โ€” isang pagkakataon para kilalanin at pasalamatan ang katatagan, husay, at ambag ng bawat babae sa ating pamilya, komunidad, at bansa.

Hinihikayat natin ang lahat ng kababaihan na maging mapanagutan sa kanilang kalusugan โ€” mula pagkabata, pagiging ina, pagtanda, hanggang sa bawat bagong hamon ng buhay!

Sama-sama nating ipagdiwang ang tapang, tiyaga, at kahusayan ng bawat babae. Ito ang iyong buwan, Juana! ๐Ÿ’–





Bilang pakikiisa sa Womenโ€™s Month 2026, magsasagawa ang QPHNโ€“Quezon Medical Center โ€“ Department of Obstetrics and Gyneco...
05/03/2026

Bilang pakikiisa sa Womenโ€™s Month 2026, magsasagawa ang QPHNโ€“Quezon Medical Center โ€“ Department of Obstetrics and Gynecology ng Bilateral Tubal Ligation (BTL) Mission sa mga sumusunod na petsa:

๐Ÿ—“ March 6, 13, 20, at 27, 2026

Inaanyayahan ang mga kwalipikadong kababaihan na magpa-screen at magpalista sa:

๐Ÿ“ Womenโ€™s Health Center, 2nd Floor, QMC Building (beside OB Office)
๐Ÿ•— Screening & Scheduling: Mondayโ€“Thursday, 8:00 AMโ€“3:00 PM

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay Nurse Ady sa kaniyang numero 09257793302

Patuloy ang ating layunin na magbigay ng ligtas, dekalidad, at makatao na serbisyong pangkalusugan para sa kababaihan ng ating komunidad.

Bilang pakikiisa sa Womenโ€™s Month 2026, magsasagawa ang QPHNโ€“Quezon Medical Center โ€“ Department of Obstetrics and Gynecology ng Bilateral Tubal Ligation (BTL) Mission sa mga sumusunod na petsa:

๐Ÿ—“ March 6, 13, 20, at 27, 2026

Inaanyayahan ang mga kwalipikadong kababaihan na magpa-screen at magpalista sa:

๐Ÿ“ Womenโ€™s Health Center, 2nd Floor, QMC Building (beside OB Office)
๐Ÿ•— Screening & Scheduling: Mondayโ€“Thursday, 8:00 AMโ€“3:00 PM

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay Nurse Ady sa kaniyang numero 09257793302

Patuloy ang ating layunin na magbigay ng ligtas, dekalidad, at makatao na serbisyong pangkalusugan para sa kababaihan ng ating komunidad.



Address

Unisan
4305

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nurse Cari posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share