13/08/2026
Paghahanda sa matagal na pag-ulan, lalo na kung posibleng magkaroon ng baha o brownout, ito ang mga dapat unahin:
Pagkain at tubig: stock ng bigas, de-lata, noodles, tinapay, bottled water at iba pang madaling ihanda.
Ilaw at kuryente: flashlight, extra batteries, power bank at rechargeable lamp.
Gamot at first-aid kit: basic medicines, alcohol, bandages at personal na gamot.
Dokumento: ilagay sa waterproof envelope ang IDs, birth certificates, titulo at iba pang mahahalagang papeles.
Damit: maghanda ng tuyong damit, kumot, tuwalya at slippers.
Pang-emergency: kandila, posporo/lighter, whistle, lubid at basic tools.
Sasakyan: siguraduhing may sapat na gasolina at ilipat sa mataas at ligtas na lugar kung may banta ng baha.
Bahay: linisin ang kanal at alulod, ayusin ang bubong at siguraduhing walang bara sa drainage.
Kung may negosyo: protektahan ang stocks, appliances at documents; ilagay ang mga ito sa mataas na lugar.
Communication: panatilihing charged ang cellphone at alamin ang evacuation center at emergency contacts sa inyong lugar.
Pinakamahalaga: huwag hintaying tumaas ang tubig bago maghanda o lumikas.