Rincon Health Center

Rincon Health Center Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Rincon Health Center, Medical and health, Rincon Road (Beside Sto. Cristo Chapel), Valenzuela.

08/06/2026
Nais po naming ipabatid na ang ating Health Center ay magpapatupad ng skeletal workforce (limitadong bilang ng staff) sa...
03/06/2026

Nais po naming ipabatid na ang ating Health Center ay magpapatupad ng skeletal workforce (limitadong bilang ng staff) sa susunod na ilang araw.

​Ang ating Nurse, Midwife at Barangay Health Workers ay ipapadala sa mga komunidad para isagawa ang mahalagang Ligtas Tigdas Campaign upang maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa tigdas at rubella.

​Dahil kakaunti lamang ang maiiwang staff sa ating center, inaasahan po na mas hahaba ang oras ng paghihintay para sa mga check-up at iba pang serbisyo. Humihingi po kami ng inyong malawak na pasensya at pag-unawa.

​Kung hindi naman po emergency ang inyong pakay, iminumungkahi po namin na bumisita na lamang sa susunod na linggo kapag bumalik na sa normal ang ating operasyon.

03/06/2026

Inaanyayahan ang lahat ng magulang at tagapag-alaga na dalhin ang mga batang edad anim (6) na buwan hanggang limampu't siyam (59) na buwan (wala pang limang taong gulang) sa pinakamalapit sa health center, vaccination site, o bakunahan sa inyong barangay upang sila ay mabigyan ng libreng bakuna laban sa tigdas, rubella, at Vitamin A supplementation, katuwang ang City Nutrition Unit, para sa dagdag proteksyon at mas malusog na mga batang Valenzuelano.

01/06/2026
Umulan Umaraw, tuloy ang Ligtas Tigdas Campaign πŸ’‰
01/06/2026

Umulan Umaraw, tuloy ang Ligtas Tigdas Campaign πŸ’‰

π—Ÿπ—œπ—šπ—§π—”π—¦ π—§π—œπ—šπ——π—”π—¦ π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘π—š 𝗔π—₯𝗔π—ͺ 𝗑𝗔!

Kaya naman mga magulang, lolo't lola, tito't tita, at mga tagapag-alaga, halina't makiisa! Dalhin ang mga batang edad 6 hanggang 59 buwan sa pinakamalapit na vaccination site sa inyong lugar.

βœ… Ang pagbabakuna ay nagbibigay-proteksyon laban sa pagka-ospital at pagkamatay dulot ng Tigdas at Tigdas-hangin.

πŸ“ Libre at madaling makuha ang bakuna sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.

🀝 At kung sakaling may maramdamang hindi pangkaraniwan pagkatapos mabakunahan. Huwag mag-alala handa ang ating mga health workers na umalalay at gumabay.

Dahil mas masaya ang kulitan, habulan, at laro kapag ligtas sa tigdas ang ating mga bata!

LIGTAS TIGDAS.
Handa. BakunaDOH. ProtektaDOH.






31/05/2026

Bakunanay, 1 tulog na lang
Ligtas Tigdas na!

Bukas na ang malawakang pagbabakuna laban sa tigdas at rubella sa National Capital Region. Siguraduhing maprotektahan ang inyong mga anak sa pamamagitan ng ligtas at epektibong bakuna.

Magtungo sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar para sa iskedyul at iba pang detalye ng pagbabakuna.

Sama-sama nating pigilan ang pagkalat ng tigdas. Dahil sa bakunang ligtas at epektibo, todas ang TIGDAS!






Address

Rincon Road (Beside Sto. Cristo Chapel)
Valenzuela
1443

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rincon Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share