30/08/2026
Maaari pong kumuha ng libreng Doxycycline sa ating mga evacuation center. Pumunta lang po sa Medical Team Stations upang mabigyan ng libreng Doxycycline na panlaban sa Leptospirosis!
Naka-deploy po ang ating mga health worker sa ating evacuation centers upang mag-alaga, umalalay, at tumugon sa mga nangangailangan ng tulong medikal. Libre rin po ang konsultasyon at mga gamotโtulad ng flood prophylaxisโpara sa mga nangangailangan. Karagdagan dito ay nagbigay din tayo ng libreng multivitamins and iron syrup para sa mga bata.
Manatili po tayong alerto at mag-ingat sa mga sakit na maaaring makuha ngayong tag-ulan. Kung may nararamdaman o sintomas ng sakit, huwag pong mag-atubiling lumapit sa ating mga health worker. ๐๐ป๐๐ป