19/10/2026
👅 TONGUE TIE IN ADULTS | Ankyloglossia
Alam mo ba na kahit adults ay pwedeng magkaroon ng tongue tie? 🦷
Ang tongue tie ay nangyayari kapag ang tissue sa ilalim ng dila ay masyadong maikli o mahigpit, kaya limitado ang galaw ng dila.
🔎 Ano ang signs ng tie?
✨ Hirap ilabas o itaas ang dila
✨ Hirap idikit ang dila sa ngalangala
✨ Hirap bigkasin ang ilang words o sounds
✨ Limitado ang galaw ng dila
✨ May difficulty sa ilang daily activities dahil sa restricted tongue movement
🦷 Paano malalaman kung may tongue tie ka?
Simple lang ang assessment!
1️⃣ Check your symptoms – May napapansin ka bang hirap sa paggalaw ng dila?
2️⃣ Tongue movement check – Iche-check ng dentist kung gaano kataas, kalabas, at kalaya gumalaw ang dila mo.
3️⃣ Function assessment – Aalamin kung naaapektuhan ba nito ang speech o iba pang oral functions.
4️⃣ Professional evaluation – I-e-explain ng dentist ang findings at kung kailangan ba ng treatment.
📌 Huwag mag-self-diagnose! Hindi lahat ng may tongue tie ay kailangan ng procedure. Proper assessment is important para malaman ang best option para sa iyo.
📩 Napapansin mo ba ang mga signs na ito? Message us today to book your tongue tie assessment! Alamin natin kung restricted nga ang tongue movement mo at kung anong next step ang appropriate for you.