28/08/2026
๐๏ธ Para sa Alaala ni Maโam Analiza ๐๐ป๐ค
Lubos ang aming kalungkutan sa biglaang pagpanaw ng aming minamahal na katrabaho, kaibigan, at kapatid sa serbisyo, Maโam Analiza Belza Fernandez.
Sa maikling panahon na nakasama ka namin sa Isla Health Center, iniwan mo sa amin ang mga alaalang mananatili sa aming pusoโang iyong ngiti, kabaitan, pagiging maalalahanin, at pagmamahal sa iyong kapwa.
Maraming salamat, Maโam Analiza, sa lahat ng kabutihan at masasayang sandaling ibinahagi mo sa amin. Maaaring maikli lamang ang panahong ipinahiram ka sa amin, ngunit sapat iyon upang ikaw ay aming mahalin, pahalagahan, at maging bahagi ng aming pamilya sa serbisyo.
Mami-miss namin ang iyong ngiti. Mami-miss namin ang iyong presensya. Mami-miss namin ang masarap mong biko. At higit sa lahat, mami-miss namin ang makasama ka sa serbisyo. ๐ค
Paalam, Maโam Analiza. ๐๏ธ
Nawaโy matagpuan mo ang walang hanggang kapayapaan sa piling ng Panginoon.
Sa iyong pamilya at mga naulila, taos-puso ang aming pakikiramay. Nawaโy ang mga magagandang alaala ng iyong buhay ay magsilbing lakas, ginhawa, at pag-asa sa panahon ng matinding pangungulila.
Sa aming kaibigan, kapatid, at kasama sa serbisyoโhindi ka namin malilimutan.
Hanggang sa muli, Maโam Analiza.
Mahal na mahal ka namin. ๐ค๐๏ธ