04/05/2026
Isang karangalan at inspirasyon para sa ating lahat!
Ang ating masipag at dedikadong doktor sa health center, si Dr. Raymond De Gula, ay ginawaran bilang isa sa mga Outstanding Medical Practitioners ng Public Attorneyβs Office ngayong Lunes, Mayo 4, 2026, na ginanap sa World Trade Center Manila.
Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Dr. De Gula ang tunay na kalagayan ng pagiging isang lingkod-bayanβang patuloy na pagharap sa napakaraming pangangailangan ng komunidad habang binabalanse ang kakulangan sa oras, kagamitan, at iba pang resources. Sa kabila nito, nananatiling matatag ang kanyang puso sa paglilingkod.
Ang parangal na ito ay hindi lamang pagkilala sa kanyang kakayahan, kundi patunay ng kanyang malasakit, sakripisyo, at dedikasyon sa bawat pasyenteng kanyang pinaglilingkuran.
Ipinagmamalaki ka namin, Doc! Patuloy kang magsilbing inspirasyon sa kapwa mo manggagamot at sa buong komunidad.