14/06/2026
"Hindi naman po kasi nagsasabi na masakit, kaya nagulat na lang kami na may lumalabas na po sa ilalim ng labi nya."
Sa pagsusuri, nakita na ang ugat ng isang "milk tooth" sa harap ay bumutas na sa gilagid at umabot hanggang sa loob ng labiβisang hindi pangkaraniwang sitwasyon na nangangailangan ng agarang atensiyon. Matapos ang maingat na pagsusuri, kinailangang bunutin ang ngipin upang maiwasan ang karagdagang iritasyon, impeksyon at matulungan ang area na gumaling nang maayos.
Kaya huwag balewalain ang anumang kakaibang nakikita sa bibig ng ating mga anak. Ang maagang pagsusuri at tamang paggamot ay makatutulong upang maiwasan ang mas komplikadong problema.