13/09/2026
📢 PAALALA MULA SA WAO MUNICIPAL HEALTH OFFICE 📢
Para sa ating ligtas at maayos na pagboto ngayong BARMM Parliamentary Elections (September 14, 2026), narito ang ilang mahahalagang paalala sa kalusugan mula sa ating lokal na pamahalaan:
✅ Bago Pumunta sa Voting Center:
Uminom ng sapat na tubig para makaiwas sa dehydration.
Kumain nang maayos bago umalis ng bahay.
Dalhin ang inyong mga maintenance na gamot.
Magsuot ng angkop na kasuotan at magdala ng payong o sombrero.
✅ Habang Nasa Voting Center:
Maging pasensyoso, pumila nang maayos, at iwasan ang siksikan.
Magpahinga kapag nakaramdam ng pagkahilo o panghihina.
Magbigay-daan sa ating mga priority sectors (Senior Citizens, Buntis, PWDs, at may karamdaman).
Panatilihin ang pagiging kalmado at iwasan ang pakikipagtalo.
⚠️ Emergency Signs na Hindi Dapat Ipagwalang-Bahala:
Kung makaranas ng himatay, sobrang init ng katawan (heat stroke), hirap huminga, pananakit ng dibdib, o iba pang malubhang sintomas, lumapit agad sa health team sa voting center o sa pinakamalapit na RHU/Hospital.
📞 Emergency Hotlines:
DRRM-H Hotline: 0965-261-0641 / 0930-032-0050
OPCEN WAO: 0997-380-0404
Maging handa, mag-ingat, at protektahan ang ating kalusugan habang ginagampanan ang ating tungkulin sa bayan! 🗳️🇵🇭