Botica Reyes

Botica Reyes A drugstore that provides branded and generic medicine and also medical supplies. Open for requisition of preferred brands.

22/04/2024
Mabuhay, San Andresin!Magalak po naming ibinabalita na magkakaroon na po sa Botica Reyes ng BLOOD TEST para sa SUGAR, CH...
03/10/2023

Mabuhay, San Andresin!

Magalak po naming ibinabalita na magkakaroon na po sa Botica Reyes ng BLOOD TEST para sa SUGAR, CHOLESTEROL at URIC ACID.

Pinapaalalahanan lang po na sa Fasting Blood Sugar (FBS), cholesterol at uric acid ay mas maganda kung tayo ay magsasagawa ng fasting para sa mas tamang pagbasa ng machine ng ating dugo. Ang fasting po ay dapat may WALO HANGGANG SAMPUNG (8-10) ORAS NA HINDI PAGKAIN O PAG-INOM (kahit ng tubig).

Halimbawa: 10pm ay magmimiryenda at sa mga susunod na oras hanggang 6am to 8am ay walang kakainin at iinumin na kahit ano.

Sa mga pasyenteng interesado, bukas po ang Botica Reyes mula 8am to 8pm. Magtungo lang po sa may Puerto San Andres Exit, Nadres street Corner L. Guinto Street, Brgy. Poblacion, San Andres, Quezon.

23/02/2023

Available po sa Botica Reyes!
Come visit us near Exit of San Andres Port.
Sa Botica Reyes, quality ng gamot ay the best, para sa San Andres!

PROMO ALERT!Available po ang Buy 6 get 1 free Neurogen E Tablet ngayon sa Botica Reyes. Para sa mga nakakaramdam ng “tus...
27/12/2021

PROMO ALERT!

Available po ang Buy 6 get 1 free Neurogen E Tablet ngayon sa Botica Reyes.

Para sa mga nakakaramdam ng “tusok-tusok” o pangingimi sa kamay, paa at mga daliri, ito ang para sa inyo. May B complex na, may Vitamin E pa.

Halina na sa Botica Reyes at bumili ng pang-isang linggong supply ng gamot.

Mabuhay, San Andresin!May mga generic na gamot na po na available sa Botica Reyes. Kung kayo ay "BUDGETARIAN" at naghaha...
15/11/2021

Mabuhay, San Andresin!

May mga generic na gamot na po na available sa Botica Reyes. Kung kayo ay "BUDGETARIAN" at naghahanap ng mga gamot na mabisa kahit na mura, magtungo na sa aming botika.

Maaring tanungin nyo na: Ha? Generics? Hindi ba mahina lang ang epekto pag Generics?

Una po, bakit nga ba tayo nagkaroon ng mga Generics na gamot?

Ayon sa Batas Republika Bilang 6675, na pinangalanang Generics Act of 1988, hinihikayat na tangkilikin ang paggamit ng mga gamot na generics upang ang mga mamamayang hindi kasama sa pang araw-araw na budget ang bumili ng mga branded na gamot, na halos may kamahalan, ay makaya at maisingit sa kanilang gastusin ang pagbili ng gamot na kailangan ng kanilang mga kapamilya. Kaya naman, maraming manufacturing company ang gumawa ng sari-sarili nilang produktong generics, katulad ng Rhea generics, Ritemed, at nagkaroon rin ng mga botikang ang ibinebenta lamang ay generics na gamot katulad ng The Generics Pharmacy, Generika at iba pa.

Kapareho lamang ang epekto ng generic sa branded na gamot, ang lahat ng gamot at dumaraan sa masusing proseso ng produksyon bago pa ma-aprubahan ng Food and Drug Administration of the Philippines at maibenta sa merkado.

Safe at effective ang Generics na gamot, wag mag-alala, kababayan. 😊

Retrieved from: https://lawphil.net/statutes/repacts/ra1988/ra_6675_1988.html

Mabuhay, San Andresin!Mayroon din pong Nebulizer Machine dito sa Botica Reyes para sa mga may hapo o asthma.
30/10/2021

Mabuhay, San Andresin!

Mayroon din pong Nebulizer Machine dito sa Botica Reyes para sa mga may hapo o asthma.

Mabuhay, mga San Andresin!Ang Botica Reyes po ay kasalukuyang bukas na. Ngayon po ay may mga branded at generic na gamot...
29/10/2021

Mabuhay, mga San Andresin!

Ang Botica Reyes po ay kasalukuyang bukas na. Ngayon po ay may mga branded at generic na gamot na mabibili sa botika, ito po ay ang mga sumusunod na larawan.

Halina sa Botika Reyes, kung san ang gamot ay mabisa, may kalidad at sulit sa alaga.

Nasa aming soft-opening pa lamang po ang botika, kung kayat hindi pa kumpleto ang lahat ng aming mga produkto, bukas po ang aming botika para sa inyong mga suwestiyon sa mga gamot na inyong pinapaborang gamitin.

Address

San Andres

Opening Hours

Monday 8am - 8pm
Tuesday 8am - 8pm
Wednesday 8am - 8pm
Thursday 8am - 8pm
Friday 8am - 8pm
Saturday 8am - 8pm

Telephone

+639663358293

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Botica Reyes posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share