28/07/2026
FYi‼️‼️
DOH: IHANDA ANG FIRST AID KIT SA INYONG EMERGENCY GO BAG
Sa panahon ng pag-ulan mahalagang laging may handang First Aid Kit sa tahanan at sa inyong Emergency Go Bag.
Tiyaking nasa inyong First Aid Kit ang sumusunod:
✅ Alcohol
✅ Adhesive bandages (para sa sugat)
✅ Elastic bandage (para sa pilay)
✅ Povidone-Iodine
✅ Ointment sa sugat
✅ Medical tape
✅ Maliit na gunting
✅ Face mask
✅ Disposable gloves
Paalala: Laging suriin ang expiration date ng mga gamot at palitan ang mga nagamit na kagamitan.