05/09/2026
πππ₯π’π§π ππ€ππ₯π, πππ’π§π ππππ¦π: ππππ₯ππ¦ππ§ π¬π ππ‘π’π₯ππ‘π¨π¨π πππ§πππ«
Ngayong Childhood Cancer Awareness Month, mahalagang linawin ang mga maling paniniwala tungkol sa kanser sa mga bata.
Ang childhood cancer ay hindi karaniwang dulot ng sobrang TV, screen time, gadgets, o pagkukulang ng magulang. Sa maraming pagkakataon, walang malinaw na dahilan kung bakit ito nagkakaroon.
Sa halip na sisihan ang bata o pamilya, ituon natin ang pansin sa tamang kaalaman, maagang pagkilala ng mga sintomas, at agarang pagpapatingin sa doktor.
Mga dapat bantayan:
βοΈpaulit-ulit na lagnat
βοΈmadaling pagkakapasa
βοΈhindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang
βοΈbukol o pamamaga
βοΈtuloy-tuloy na pananakit
Ngayong Setyembre, sama-sama nating alisin ang maling akala at stigma, palaganapin ang tamang impormasyon, at suportahan ang bawat batang may kanser at kanilang pamilya.
Photo and caption by Dr Sean De Guzman, Radiation Oncologist
&MCCancerCenter