17/05/2026
Noong nakaraang Lunes, May 11, ay nagkaroon ng lay forum ang UP-PGH Adult Hematology Division!
Pinagtuunan ng pansin ang anemia in pregnancy—isang kondisyon kung saan kulang ang hemoglobin o red blood cells ng buntis, kadalasan dahil sa kakulangan sa iron at iba pang mahahalagang nutrisyon na kailangan para sa malusog na pagbubuntis.
Tandaan: Ang malusog na dugo ay mahalaga para sa ligtas na pagbubuntis at malusog na sanggol!
Kung ikaw ay buntis at nakakaranas ng mga sintomas ng anemia o may mga katanungan tungkol dito, huwag mag-atubiling magpakonsulta sa pinakamalapit na health center o sa inyong doktor.