RHU Concepcion Romblon

Directions Contact the business

RHU Concepcion Romblon Medical Services

14/08/2026

🎥𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐓𝐈𝐆𝐃𝐀𝐒: 𝐌𝐄𝐀𝐒𝐋𝐄𝐒-𝐑𝐔𝐁𝐄𝐋𝐋𝐀 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐋𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋 𝐈𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐙𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐈𝐓𝐘 (𝐌𝐑𝐒𝐈𝐀)💉❤️

Isinagawa ng 𝐂𝐨𝐧𝐜𝐞𝐩𝐜𝐢𝐨𝐧 𝐑𝐮𝐫𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐔𝐧𝐢𝐭 ang 𝐋𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐓𝐢𝐠𝐝𝐚𝐬: 𝐌𝐑𝐒𝐈𝐀 mula 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 10–14, 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa measles at rubella.

🔴 𝑨𝒏𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝑴𝒆𝒂𝒔𝒍𝒆𝒔 (𝑻𝒊𝒈𝒅𝒂𝒔)?
Ang measles ay isang lubhang nakakahawang sakit na dulot ng virus. Kabilang sa mga sintomas nito ang mataas na lagnat, ubo, sipon, pamumula ng mata, at pantal sa katawan. Maaari itong magdulot ng malulubhang komplikasyon, lalo na sa mga bata.

🟣 𝑨𝒏𝒐 𝒏𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝑹𝒖𝒃𝒆𝒍𝒍𝒂?
Ang rubella ay isang viral infection na karaniwang nagdudulot ng banayad na lagnat at pantal. Ngunit maaari itong maging mapanganib sa mga buntis, dahil maaaring makaapekto sa dinadala nilang sanggol at magdulot ng 𝑪𝒐𝒏𝒈𝒆𝒏𝒊𝒕𝒂𝒍 𝑹𝒖𝒃𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑺𝒚𝒏𝒅𝒓𝒐𝒎𝒆 (𝑪𝑹𝑺).

💉 𝑩𝒂𝒌𝒊𝒕 𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒃𝒂𝒃𝒂𝒌𝒖𝒏𝒂?
Ang pagbabakuna ay isa sa pinakamabisang paraan upang makaiwas sa measles at rubella. Sa pagpapabakuna, napoprotektahan natin hindi lamang ang ating sarili kundi pati ang ating pamilya at buong komunidad.

Maraming salamat sa ating mga health workers, barangay partners, parents/guardians, at lahat ng nakiisa sa matagumpay na MRSIA 2026! 🫶

Bakuna para sa proteksyon. Bakuna para sa kinabukasan.
Sama-sama nating gawing Ligtas sa Tigdas ang ating komunidad! 💪💉

Isang karangalan para sa Concepcion Rural Health Unit na ipabatid ang matagumpay na pagsasagawa ng PhilHealth YAKAP Insp...
30/07/2026

Isang karangalan para sa Concepcion Rural Health Unit na ipabatid ang matagumpay na pagsasagawa ng PhilHealth YAKAP Inspection na pinangunahan ni Mr. Reymond G. Macatangay.

Ikinagagalak naming ibahagi na ang isinagawang inspeksyon ay nagtapos na walang anumang findings, na nagpapatunay sa aming pagsunod sa mga pamantayan ng PhilHealth at sa aming patuloy na dedikasyon sa pagbibigay ng de-kalidad, ligtas, at maaasahang serbisyong pangkalusugan.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap, dedikasyon, at propesyonalismo ng buong RHU personnel, Barangay Health Workers (BHWs), at ng lahat ng katuwang sa pagpapanatili ng mataas na pamantayan ng serbisyong pangkalusugan. Taos-puso rin kaming nagpapasalamat kay Mr. Reymond G. Macatangay sa maayos na pagsasagawa ng inspeksyon at sa kanyang mahalagang gabay sa buong proseso.

Maraming salamat sa bawat isa na naging bahagi ng tagumpay na ito. Patuloy kaming magsisilbi nang may integridad, kahusayan, at malasakit para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

“Serbisyong hungor, imaw pa’t nahator!”

📢 NEW LABORATORY SCHEDULE | Effective July 1, 2026Para mas mapabilis at mas mapaganda ang ating laboratory services, mag...
16/07/2026

📢 NEW LABORATORY SCHEDULE | Effective July 1, 2026

Para mas mapabilis at mas mapaganda ang ating laboratory services, magkakaroon na ng bagong laboratory schedule ang RHU Concepcion Laboratory simula July 1, 2026.

Ang schedule na ito ay ginawa upang:
✅ Maibigay ang accurate at quality laboratory results.
✅ Mabawasan ang waiting time ng mga pasyente.
✅ Mas maging efficient ang paggamit ng laboratory reagents at supplies.
✅ Mapanatili ang maayos na workflow at laboratory operations.

🩸 Blood Chemistry
📅 Monday–Thursday | ⏰ 8:00 AM–11:00 AM

🔬 Clinical Microscopy (Urinalysis, Fecalysis & Pregnancy Test)
📅 Monday–Friday | ⏰ 8:00 AM–5:00 PM

🧪 Serology & Other Tests (HIV Screening, HBsAg, Syphilis Screening, Dengue NS1 Ag & Blood Typing)
📅 Monday–Friday | ⏰ 8:00 AM–5:00 PM

🫁 TB DOTS (DSSM)
📅 Monday–Wednesday | ⏰ 8:00 AM–12:00 NN

🩸 CBC (Complete Blood Count)
📅 Every Monday & Thursday | ⏰ 8:00 AM–12:00 NN

📋 Releasing of Results

🩸 Blood Chemistry – Within the afternoon or the next working day
🔬 Clinical Microscopy – Same day
🧪 Serology – Same day
🩸 CBC (Hematology) – Same day
🫁 DSSM – 2–3 working days

⚠️ Note: Emergency cases at physician-priority requests ay maaari pa ring ma-accommodate outside the regular schedule, subject to reagent availability at laboratory workload.

Maraming salamat sa inyong pang unawa at kooperasyon habang patuloy naming pinapabuti ang ating laboratory services para sa mas mabilis, maayos, at dekalidad na serbisyo.

📢 PhilHealth Barangayan 2026Mula Mayo 5–8, 2026, matagumpay na naisagawa ang PhilHealth Barangayan sa 9 na barangay bila...
03/06/2026

📢 PhilHealth Barangayan 2026

Mula Mayo 5–8, 2026, matagumpay na naisagawa ang PhilHealth Barangayan sa 9 na barangay bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mailapit ang mga serbisyo ng PhilHealth sa bawat mamamayan.

Sa loob ng apat na araw, daan-daang residente ang natulungan sa pagpaparehistro bilang miyembro ng PhilHealth, pag-update ng kanilang mga rekord, at pagpaparehistro sa PhilHealth YAKAP Provider upang mas mapadali ang kanilang pag-access sa mga benepisyo at serbisyong pangkalusugan.

Lubos kaming nagpapasalamat sa mga barangay officials, Barangay Health Workers, at sa lahat ng residenteng nakiisa sa programang ito. Ang inyong pakikilahok ay mahalagang hakbang tungo sa isang mas malusog at mas protektadong komunidad.

🏆🎉 PAGKILALA SA MGA NAGWAGI 🎉🏆Taos-pusong pagbati sa ating mga nanalo sa Hataw Galaw: Run for Health 2026 na ginanap noo...
03/06/2026

🏆🎉 PAGKILALA SA MGA NAGWAGI 🎉🏆

Taos-pusong pagbati sa ating mga nanalo sa Hataw Galaw: Run for Health 2026 na ginanap noong Abril 9, 2026!

🥇 1st Place – Clyde Caunceran
🎁 Cash Prize na ₱1,000 at isang pares ng Brand New Shoes

🥈 2nd Place – Richard Briones
🎁 Cash Prize na ₱1,000

🥉 3rd Place – Ralph Lauren Mejico
🎁 Cash Prize na ₱500

Ang inyong sipag, determinasyon, at pagpapahalaga sa kalusugan ay tunay na kahanga-hanga. Nawa’y maging inspirasyon kayo sa ating komunidad upang patuloy na mamuhay nang aktibo at malusog.

Muli, congratulations sa ating mga winners at maraming salamat sa lahat ng nakilahok sa Hataw Galaw: Run for Health 2026! 🏃‍♂️💙

📢 Dengue, Rabies, and Leprosy Awareness CampaignNoong Marso 23, 2026, matagumpay na isinagawa ang Dengue, Rabies, at Lep...
03/06/2026

📢 Dengue, Rabies, and Leprosy Awareness Campaign

Noong Marso 23, 2026, matagumpay na isinagawa ang Dengue, Rabies, at Leprosy Awareness Campaign sa mga paaralang elementarya at sekondarya sa ating bayan. Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa pag-iwas at tamang pag-iingat laban sa mga sakit na ito.

Pinili ang mga paaralan bilang pangunahing lugar ng kampanya sapagkat ang mga kabataan ay kabilang sa mga unang naapektuhan ng mga kaso ng dengue at animal bites noong nakaraang taon. Sa pamamagitan ng mga talakayan at pagbibigay ng wastong impormasyon, naipabatid sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng maagang pag-iwas at tamang pagkilos upang maprotektahan ang kanilang sarili at pamilya.

Bilang bahagi rin ng kampanya, namahagi ng mga flyers sa Barangay Poblacion na naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa rabies, dengue, at leprosy upang higit pang mapalawak ang kamalayan ng komunidad tungkol sa mga sakit na ito at mga paraan ng pag-iwas.

Maraming salamat sa mga paaralan, g**o, mag-aaral, at mga residente ng Barangay Poblacion sa kanilang pakikiisa at suporta. Sama-sama nating isulong ang isang ligtas, malusog, at may sapat na kaalamang komunidad.

30/05/2026
30/05/2026
📢 ANNOUNCEMENTWalang regular na check-up sa mga sumusunod na petsa at oras upang bigyang-daan ang gaganaping BHW Trainin...
25/05/2026

📢 ANNOUNCEMENT

Walang regular na check-up sa mga sumusunod na petsa at oras upang bigyang-daan ang gaganaping BHW Training:

🗓 May 25, 2026
⏰ 1:00 PM – 6:00 PM

🗓 May 26–27, 2026
⏰ 7:00 AM – 6:00 PM

✅ Patuloy pa ring aasikasuhin ang mga emergency cases.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikiisa. 💙

Address

Poblacion, Romblon
Concepcion
5516

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RHU Concepcion Romblon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to RHU Concepcion Romblon:

Shortcuts

Share