30/08/2026
๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐น๐ฎ๐ป๐ฎ๐ฑ๐ผ
Ang Family Planning Organization of the Philippines, Inc. โ Camarines Sur Chapter ay kaisa sa isinagawang Family Planning Caravan na ginanap sa Iriga Sports Center, Sta. Cruz, Iriga City noong ika-28 ng Agosto taong kasalukuyan. Sa pamamagitan ng programang ito, nakapaghatid ng serbisyong pangkalusugang sekswal at reproduktibo (Sexual and Reproductive Health o SRH) ang FPOP CamSur, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Iriga, City Health Office, DOH โ Center for Health Development Region V, Rotaract Club of Iriga, at iba pang mga organisasyon at opisina.
Ilan sa mga serbisyong hatid ay ang libreng family planning consultations, contraceptives, at implants, tulad ng IUD, Non-Scalpel Vasectomy, pills, gamot, at mga bitamina para sa mga ina at kanilang mga sanggol.
Sa pamamagitan naman ng mga Barangay Service Point Officers (BSPOs) ng Commission on Population and Development (CPD), naabot ng programa at mga serbisyo ang mga pamilyang Indigenous People sa lungsod ng Iriga.
Ang FPOP Camarines Sur Chapter ay kinatawanan ng mga clinic staff at volunteers sa pamumuno ni Zheryl P. Zamora, RM, BSM, Chapter Program Manager; Jinky S. Lisanque, RM, BSM, Project Field Coordinator; Unice Jebulan, RM, Midwife; at mula sa Kabataang FPOP Camarines SurโJohn Rey Estiva, Chairperson; Robert Ramos, Membership Committee Officer; at Marvin SB. Factor, Youth Volunteer.
Nais bigyang-pasasalamat ng FPOP ang Lungsod ng Iriga, sa pamumuno ni Mayor Wilfredo Rex C. Oliva; City Health Officer Dr. Roland G. Perena, MHA; mga City Councilors; at ang lahat ng organizers, sponsors, partner organizations, at opisina na naging bahagi ng matagumpay na programa.
Panalo ang pamilyang may kaalaman, access, at kakayahang magdesisyon para sa kanilang kinabukasan.