31/07/2026
Pasencia napo, im still not yet done with this issue, I just cant help but share my thoughts in this viral post, NOT my patient.
Part II Doctor’s perspective
I definitely understand the sentiments, kase ngiging pasyente n din po ako, and Ive also experienced waiting for 2-3hours or more para makita ng dr. Imagine, masama n pkiramdam mo pero kailangan mong mg-intay ng 3-4hours sa waiting area uncomfortably. So lahat ng naging pasyente eto po tlga mraramdaman.
Pero tingin ko kailangan lng din pong maipaliwanag sa kanila kung bakit sila inaabot ng ganong oras para matingnan.
Maniwala po kayo, karamihan sa mga doktor ay gusto ring matapos ang kanilang clinic sa tamang oras. We also have family and we also get tired, at gusto rin naming makauwi nang maaga para makapagpahinga at makasama ang aming pamilya. Hindi rin po namin gugustuhing humaba ang clinic hours kung maaari namang maiwasan.
May isang commenter na nagsabi, “Okay lang kung may emergency, pero yung iba laging late lng tlga.” Naiintindihan ko rin po ang concern na iyon. Tulad ng ibang propesyon, may ilan ding tao na hindi maganda ang work habits. Ngunit kung palagi na lamang pong ganoon ang isang doktor at wala namang valid na dahilan, sa tingin ko, darating din ang panahon na ang mga pasyente mismo ang pipili ng ibang doktor.
In my practice, napapansin siguro ito ng aking mga regular na pasyente, na medyo naiinis pa nga po ako kapag ang tagal pumasok kahit tinatawag n, or saway ng saway sa anak n umiiyak o nglalaro habang ng eexplain nako, or sumasagot sa cp kahit kausap ko na, ang gusto ko lang po ay mag-focus tayo sa isa’t isa sa loob ng ilang minuto habang tayo ay nag-uusap. Sa ganitong paraan, mas maayos ang consultation, mas malinaw ang paliwanag, at mas mabilis ding matatapos, at maiiwasan ang delay para sa mga pasyenteng naghihintay din, nang hindi isinasakripisyo ang kalidad ng patient care. Pasencia n lng din po pag madaldal din po ako minsan o napapagalitan ko po kayo ✌️.
Gusto ko rin po na hindi kayo maghintay nang matagal. Gusto kong makauwi kayo sa inyong pamilya nang mas maaga, at ganoon din po ako.
Honestly po, medyo nsstress din po ako pgdating ko sa clinic ang dami ng pasyente pero limited na yung time ko, so as much as possible gusto ko din po tlgang mkpunta sa clinic ng maaga before the scheduled clinic hours.
Every patient has the freedom to choose the doctor whose practice best fits their needs and expectations.
Bottomline, lets always be kind to one another, dahil hindi ntin alam ang pinagdadaanan ng bawat isa.
Maraming salamat po 💕
May part 3 at 4 p po 😄
(Part III: “Nasaan na po si Dok?” The Importance of Good Communication
Part IV: Doctor’s appointment)