21/08/2026
🤰✨BUNTIS SERYE Episode 16:
Tuloy-Tuloy na Serbisyo para sa Ligtas na Pagbubuntis! 🤰
​Mula sa simula hanggang sa pagsilang, katuwang ninyo ang ating Rural Health Unit!
Matagumpay nating naisagawa ang ating 16th Buntis Serye na nakatuon para sa ating mga 1st Trimester Moms, back-to-back sa ating pinaka-unang OB-GYN Consultation para sa mga buntis sa RHU.
​Highlights ng Ating Gawain:
​1st Trimester Health Orientation: Pagbibigay ng gabay sa wastong nutrisyon, pag-inom ng iron at folic acid at pagpapanatili ng malusog na pangangatawan sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis.
​Free OB-GYN Consultation: Libreng eksaminasyon at konsultasyon kasama ang ating OB-GYN specialist upang masigurong ligtas at walang komplikasyon ang paglaki ni baby.
​Prenatal Care & Screening: Pag-check ng vital signs, blood pressure at pagtatala ng medical history ng ating mga bagong mommies.
FREE Laboratory Test: Kasama din sa aktibidad na ito ang pagbibigay ng libreng basic laboratories na kailangan ng ating mga buntis mommies.
​📋 PAANO MAGPA-KONSULTA O MAG-AVAIL NG LIBRENG PRENATAL SERVICES?
​Sino ang Pwedeng Pumunta: Lahat ng expectant mommies (lalo na ang mga nasa 1st trimester o bagong buntis) mula sa ating mga barangay sa Pagsanjan.
​Ano ang Dadalhin:
​Valid ID/Maternal ​Health Record Book / Pink Book (kung mayroon na)/Patient Record at
​PhilHealth ID (kung mayroon)
​Saan at Kailan:
​📍 Lugar: Pagsanjan Rural Health Unit (RHU Main Center)
​⏰ Araw at Oras: once a month (abangan ang announcement sa kasunod na OB-gyne consultation)
​Para sa mga Tanong at Inquiries:
​Bisitahin lamang ang ating RHU Office o makipag-ugnayan sa inyong local Barangay Health Worker (BHW) o mga Nurses at Midwives sa inyong Barangay.
​Tuloy-tuloy ang ating pampublikong serbisyo upang tiyakin na bawat pamilya at bawat mommy ay may access sa ligtas at de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan.
​Mabuhay ang ating mga expectant mommies! Kitakits muli sa mga susunod nating Buntis Serye sessions! ❤️
​