15/10/2026
🏫 School-Based Immunization (SBI) Mop-Up Activity | Dacon Learning Elementary and High School
Patuloy ang ating kampanya para sa kalusugan at proteksyon ng mga mag-aaral! 💚
Muling nagsagawa ng health advocacy at pagbabakuna upang mas maipaliwanag sa mga magulang at mag-aaral ang kahalagahan ng bakuna laban sa mga sakit.
Lubos din ang ating pasasalamat sa ating Barangay Captain Hon. Ramil Hagonoy ng Barangay Guban sa. kanyang suporta at pagbibigay ng ₱100 insentibo sa bawat batang nagpabakuna bilang dagdag na paghikayat sa mga mag-aaral na makiisa sa programa. 👏❤️
Maraming salamat sa mga g**o, magulang, at mag-aaral sa inyong tiwala at pakikiisa!
💉 Bawat batang nababakunahan, dagdag proteksyon para sa mas malusog na kinabukasan! 💚