Leyte Rural Health Unit Maternity and Child Health Center

Call Directions Website Contact the business

Leyte Rural Health Unit Maternity and Child Health Center An online platform which goal is to extend health information to our fellow Leyteños through social media.

08/10/2026

MAGPAKONSULTA SA UNANG SINTOMAS NG DENGUE!

Detalye sa comment section.





08/10/2026

Ano ang kailangan mong gawin bilang magulang sa Bakuna Eskwela?

✅ Dumalo sa mga PTA meeting at information sessions na isinasagawa kasama ang mga g**o, health care workers, at iba pang katuwang upang magkaroon ng sapat at tamang impormasyon tungkol sa Bakuna Eskwela at pagbabakuna.

✅ Sagutan at isumite ang consent form sa class adviser ng bata. Ang mga nakolektang consent form ay pagsasama-samahin ng itinalagang school personnel at/o DepEd nurse at ieendorso sa vaccination team ng LGU para sa kaukulang pagbabakuna.

✅ I-monitor ang bata pagkatapos ng pagbabakuna at kung may mapansing hindi pangkaraniwang reaksyon o sintomas, agad itong ipagbigay-alam sa health worker o vaccination team.

Magpabakuna Na!




!

08/10/2026
08/10/2026

REGULAR NA BREAST CANCER SCREENING, SUSI SA MAAGAP NA PAGGALING!

Nananatiling nangungunang uri ng kanser sa Pilipinas ang Breast Cancer na may higit 33,000 na bagong kaso at higit 11,000 na namamatay taon-taon. Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso nito, mahalagang matuklasan ang sakit habang maaga pa.

Upang maprotektahan ang ating kababaihan, inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang mga sumusunod:

MANDATORY SCREENING (EDAD 50–69 TAONG GULANG):
Magpatingin sa pinakamalapit na health facility para sa Clinical Breast Examination (CBE) o Mammogram bawat 2 taon. Ito ang pinakakritikal na paraan upang matukoy ang kanser sa pinakamaagang yugto.

SA TAHANAN:
Maging pamilyar sa sariling katawan sa pamamagitan ng Breast Self-Examination (BSE). Kung may makapang kakaibang bukol o anumang pagbabago sa dibdib, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na doktor o health center.

Huwag matakot magpasuri! Ang maagang pagtuklas ay nagbibigay ng mas malaking tsansa sa paggaling!





07/10/2026
07/10/2026

Bakit kailangan ng iyong anak na mabakunahan muli sa ilalim ng Bakuna Eskwela kung nakakuha na siya ng bakuna noong infant pa siya?

Narito ang kasagutan.




!

06/10/2026
05/10/2026

CONSULTATION SCHEDULE FOR OCTOBER 2026

Pwede pud mo mu-message diria para sa inyong mga pangutana.

03/10/2026

DOH: NEWBORN SCREENING, MAHALAGA SA KALUSUGAN NI BABY!

Ayon sa 2024 Newborn Screening Program Statistics, 92% ng mga ipinanganak noong 2024 ang sumailalim sa Newborn Screening.

Dahil mas pinalawig ang programang ito, maagang natukoy at naagapan ang mga sanggol na may congenital diseases. Kung hindi agad matutukoy ang mga sakit na ito, maaaring magdulot ang mga ito ng matinding kapansanan o maagang kamatayan.

Siguraduhing isagawa ang Newborn Screening para sa malusog na kinabukasan ni baby!





Address

Brgy. Poblacion
Leyte
6533

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Leyte Rural Health Unit Maternity and Child Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Leyte Rural Health Unit Maternity and Child Health Center:

Shortcuts

Share